fbpx Skip to main content

Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund


Ang pondong ito’y sarado na.

Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund


Ang pondong ito’y sarado na.

Ang Tulong Pinansyal sa COVID-19 para sa Imigrante sa Washington (Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund) ay nagtapos na.

Ang mga huling kabayaran ay lumabas nung simula ng 2023, at ang linya sa pagtutulong ay nakasarado na.

Sa kalagitnaan ng 2020 at 2023, ang Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund ay nagdulot ng di-mapantayang $400 milyun sa salaping pag-giginhawa sa COVID para sa higit sa 100,000 mga imigrante sa Estado ng Washington.

Pakinggan ang kwento ng Pondo:

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa abot at epekto ng pondo, basahin ang 2022-2023 Impact Evaluation Report (sa English lang).

Mas-maraming mga lugar upang makakuha ng suporta

Kumonekta at makita ang mga pagkukunan sa tulong ng WAISN

 

Kumonekta at makita ang mga pagkukunan sa tulong ng WAISN
Kung ibig ninyong manatiling nasasapanahon sa karagdagan pang mga pagkukunan para sa mga imigrante sa Washington, mga sinapipilitan ng imigrasyon sa inyong panig, at adbokasya sa pagiging imigrante, manatiling nakakonekta sa Washington Immigrant Solidarity Network (WAISN):

  • Tawagan ang WAISN Hotline: (844) 724-3737, Lunes – Biyernes, alas-8 ng umaga – alas-6 ng gabi. Lahat ng mga operator ay nagsasalita ng wikang Ingles at Kastila, at maaari kayong humiling ng tagapag-salin kung mas-ibig ninyong gumamit ng ibang wika.
  • Sundin ang WAISN sa Facebook
  • Sundin ang WAIS sa Instagram
  • Itext ang salita WAISN sa (509) 300-4959 upang makatanggap ng mga alerto tungkol sa mga kaganapang imigrasyon at mga panghinaharap na WAISN programming.

Pwede ninyong hanapin sa Panghanap ng mga Pagkukunan sa WAISN para sa mga organisasyon sa inyong lugar na nagsisilbi sa mga komunidad ng mga imigrante—gaya ng mga food bank, mga kaganapan sa komunidad, serbisyong pag-papakilala, at mga kaganapang-impormasyon na nagsusulong ng ating kaligtasan. Ang mga pagkukunan na mga ito ay napag-alaman na upang matiyak ang kaligtasan at ito’y mapagkaibigan sa mga queer-trans.

Pagbabalik ng Buwis

 

Nag-hain ba kayo ng buwis para sa 2022? Baka maaari kayong makatanggap ng pagsasauli ng binayad ng hanggang $1200 mula sa Washington State Department of Revenue. Maaari kayong mag-aplay sa online ngayon para sa panibagong Tax Credit para sa mga Nagtatrabaho na Pamilya (Working Families Tax Credit). Maaari niyo rin tawagan ang WAISN na Hotline para sa tulong sa pagaaplika kapag gamit ang telepono: (844) 724-3737

Mababang-halagang pangangalagang pang-kalusugan

 

May ilang mga mababang-halagang programa sa pangangalagang pang-kalusugan na maaaring makuha sa pamamagitan ng Health Care Authority. I-klik dito upang malaman kung anong pangangalagang pangkalusugan ang maaaring maging ang inyong mga anak o kayo ay karapat-dapat, batay sa kalagayan ng inyong pagiging imigrante.

Salapi, pagkain, at tulong sa medikal na mga programa

 

Kayo o isa sa inyo sa pamilya ay maaaring maging karapat-dapat para sa ilang mga programang inaalok ng Washington State Department of Social and Health Services (DSHS) na nagdudulot ng salapi, pagkain, o tulong-medikal. Marami sa mga programang ito ang makakamit lamang kung sakaling kayo, o isang miyembro ng inyong pamilya, ay isang mamamayan, may tangan na green card, o may ispesyal na kategorya na refugee o imigrante,
o biktima ng di-pangkaraniwang mga krimen. May mga paraan na inyong malaman kung kayo’y karapat-dapat para sa mga programang ito at nang makapag-aplay.