Ang mga aplikasyon ay sarado na ngayon
Washington COVID-19 Immigrant Relief Fund
Ang mga bayad para sa $3,075 ay ipinadala sa koreo noong Pebrero sa lahat ng aprubadong mga aplikante.
Kung ang iyong aplikasyon ay inaprubahan ngunit hindi mo pa natanggap ang iyong pera, o ikaw ay may problema sa tseke o kard, huwag mag-alala! Narito kami upang tumulong. Maaaring umabot ng ilang linggo, ngunit sisikapin naming ayusin ang problema at ipadala sa iyo ang iyong pera.
Ang pinakamainam na gawin ay tumawag sa aming linya ng tulong sa (844) 620-1999 at mag-iwan ng mensahe.
Kapag tumawag ka, ikokonekta ka sa isang awtomatikong sistema, HINDI sa aktuwal na tao. Maaari kang mag-iwan ng mensahe, at tatawagan ka sa loob ng 10 araw. Ang Mayo 1 ang huling araw para humiling ng kapalit na bayad!
Paano gamitin ang pera
Kung ang iyong aplikasyon ay naaprubahan, ang pera ay ipapadala bilang tseke o prepaid card, depende kung alin ang iyong pinili noong nag-apply ka. Ipapadala ito sa address ng koreo o liham na iyong ibinigay noong nag-apply ka. Mayroong ilang mahalagang bagay na dapat alamin tungkol sa kung paano gamitin ang mga ito:
Prepaid bank card
- Ang prepaid bank card ay maaaring gamitin kahit saan na tumatanggap ng mga debit card.
- Hindi ito maaaring gamitin upang mag-withdraw ng pera mula sa isang ATM.
- Dapat mong i-activate ang iyong card sa loob ng 90 araw.
- Kung hindi mo gagamitin ang lahat ng pera sa card sa loob ng 12 buwan, mayroong bayad sa hindi paggamit na $3.95 kada buwan.
- Magkakaroon and card ng logo ng Tulong Pinansyal sa COVID-19 para sa Imigrante sa Washington sa itaas na kaliwang bahagi nito.
- Ganito ang itsura ng kard:
Tseke
- Dapat mong ipapalit ang iyong tseke sa loob ng 90 araw mula sa petsang nakasulat sa tseke.
- Kung mayroon kang account sa bangko sa iyong pangalan, maaari mong papalitan ang tseke sa anumang bangko nang walang bayad.
- Maaari mo ring papalitan ang iyong tseke sa isang pasilidad ng pagpapalit ng tseke tulad ng Moneytree, ngunit maniningil sila ng bayad.
- Kung wala kang account sa bangko, maaari mong ipapalit ang iyong tseke sa Chase Bank. Maniningil sila ng $10 na bayad, at mangangailangan kang magpakita ng ID. Dapat kang magpakita ng isang Pangunahing ID at isang Pangalawang ID mula sa listahan sa ibaba:
Pangunahing ID
- Lisensya ng pagmamanehong may larawan
- ID ng estadong may larawan
- Lisensya ng pagmamaneho o ID card sa Canada na may larawan
- Chase ATM/debit card na may PIN
- Matricula consular card (Mexico)
- Card ng pagpapatala ng botante sa Mexico na may larawan
- Passport na may larawan
- ID ng Serbisyong Pantao na may larawan
Pangalawang ID
- Karagdagang pangunahing ID
- Ibang ID na inilabas ng pederal o estado ng Estados Unidos na may larawan
- ID ng empleyadong may larawan
- ID ng estudyanteng may larawan
- Pahayag o dokumento ng sahod mula sa employer, paycheck, o sulat na may pangalan at address mo
- Banyagang Pambansang ID
- Pahayag o dokumento ng bangko (mula sa huling 60 araw)
- Singil sa palingkurang-bayad o utility bill na may pangalan at address (mula sa huling 60 araw)
- ATM / debit / credit card na ibinigay ng bangkong may pirma
Humingi ng tulong sa iyong mga tanong
Ang pinakamainam na gawin ay tumawag sa aming linya ng tulong sa (844) 620-1999 at mag-iwan ng mensahe.
Kapag tumawag ka, ikokonekta ka sa isang awtomatikong sistema, HINDI sa aktuwal na tao. Maaari kang mag-iwan ng mensahe, at tatawagan ka sa loob ng 10 araw.
Ganito gagana ang linya ng tulong:
- Bago ka tumawag, mangyaring tiyakin na alam mo ang iyong natatanging numero ng aplikasyon. Ang numero ng aplikasyon ay nasa pagitan ng 5-7 numero ang haba, at ibinigay sa iyo nang nagsumite ka ng iyong aplikasyon. Kasama rin ito sa lahat ng mga update sa text at email tungkol sa iyong aplikasyon.
- Kung tatawag ka mula sa numero ng telepono na iba mula sa numero ng telepono sa iyong aplikasyon, hihilingin sa iyo na ibigay ang numero ng telepono na ginamit sa iyong aplikasyon.
- Piliin ang wika na gusto mo.
- Kung gusto mong malaman kung inaprubahan ang iyong aplikasyon, pindutin ang 1 upang ipasok ang iyong numero ng aplikasyon at numero ng telepono mula sa iyong aplikasyon, at pagkatapos ay makakukuha ka ng update tungkol sa katayuan ng iyong aplikasyon.
- Kung ang iyong aplikasyon ay naaprubahan ngunit hindi mo natanggap ang iyong bayad, o may problema rito, pindutin ang 2. Sundan ang mga panuto sa telepono, at mag-iwan ng mensahe. Makatatanggap ka ng tawag sa loob ng 10 araw.
Hindi makikipag-ugnayan sa iyo ang LiveStories, FORWARD, o ang Pondo sa Kaluwagan sa Imigrante sa COVID-19 ng Washington sa pamamagitan ng email o mensaheng text upang ibahagi ang anumang impormasyon tungkol sa iyong account sa bangko o upang i-click ang link upang patunayan ang anumang personal na impormasyon.
Mayroong maraming iba pang mga pondo na iba mula rito:
- Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Kredito sa Buwis sa mga Pamilyang Nagtatrabaho, mangyaring pumunta sa workingfamiliescredit.wa.gov. Hindi pa huli na mag-apply para sa kredito sa buwis na ito.
- Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Pondo sa Kaluwagan sa Pamilya para sa mga pamilyang may mababang kita sa Washington, mangyaring pumunta sa www.wafamilyrelief.org. Ang pondong ito ay hindi tumatanggap ng anumang bagong mga aplikasyon.
- Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Pondo sa Kaluwagan sa Imigrante ng County ng King para sa mga imigrante sa County ng King, mangyaring pumunta sa www.kingcountyrelief.org.
Mangyaring huwag tumawag sa aming linya ng tulong tungkol sa mga tanong tungkol sa mga pondong ito. Ang mga ito ay pinapatakbo ng ibang mga organisasyon, at wala kaming impormasyon tungkol sa kanila.
Iba pang mga lugar kung saan makakukuha ng suporta
Kung gusto mong makakuha ng update sa paparating na mga tulong pinansyal para sa imigrante, pagpapatupad sa imigrante sa iyong lugar, at pagtataguyod ng imigrante, sundan ang Washington Immigrant Solidarity Network sa Facebook (facebook.com/WAISNorg) o i-text ang salitang WAISN sa 509-300-4959.
Isang miyembro ng iyong pamilya ang maaaring makinabang sa sumusunod na mga mapagkukunan mula sa Washington State Department of Social and Health Services (DSHS):
Maaari kang mag-apply sa mga programa sa DSHS online sa Washington Connections, sa telepono sa (877) 501-2233, o sa personal sa iyong lokal na Tanggapan ng mga Serbisyong Pangkomunidad.
- Kung nag-apply ka online, ang iyong susunod na hakbang ay ang pagkumpleto sa panayam sa pamamagitan ng telepono sa 877-501-2233, o sa personal sa iyong lokal na Tanggapan ng mga Serbisyong Pangkomunidad.
- Upang humingi ng tulong sa wikang maliban sa Ingles, dapat kang tumawag sa (800) 797-0617, Lunes hanggang Biyernes, 8AM-5PM upang makahingi ng tulong sa wika. Kung makarinig ka ng recording, mangyaring mag-iwan ng mensahe kasama ng iyong numero ng telepono at wika na iyong ginagamit at tatawagan ka nila kasama ng isang tagapagsalin.
Ang mga taong naghain ng buwis ay maaaring mag-apply para sa bagong Kredito sa Buwis para sa Nagtatrabahong mga Pamilya (Working Families Tax Credit) ng Washington. Ang mga taong karapat-dapat ay maaaring makakuha ng $1200 mula sa kanilang mga buwis.